May Sakit Si Len at Si Alex - Culture Matters

3 downloads 240 Views 2MB Size Report
Mar 24, 2016 - Si Toni at Len ay sumulat nang e-mail para kay Alex. ... mas maraming tao ang magpapa³ngin para sa tuber
May Sakit Si Len at Si Alex

May Sakit Si Len at Si Alex

Translated by Ma Aurora Monique de Pedro, Iluminada Afuang Ponsaran Ed. D First published 24 March 2016 ISBN: 978-1-925082-18-0 CreaOve commons copyright Text: Paul Mason Images: Amelia Darmawan Printed by Enculture Press

Mahilig magkasamang maglaro ang tatlong magkakaibigan na sina Toni, Alex at Len.

Pag ang tatlong magkakaibigan ay namimisikleta, si Len ay hinihingal agad at si Alex ay mabilis mapagod. Minsan nauubo sila.

Dahil dito si Toni ay nagsabi “Nagaalala ako sa mga kaibigan ko kasi nahihirapan silang humabol sa akin.”

Si Len ay manaka nakang may ubo at paghingal at maaring mauwi sa paglala ng masamang pakiramdam.

Si Alex ay nagkameron ng ubo at tumagal ito nang mahigit na isang buwan.

Siya ay pinagpapawisan na may kasamang lagnat sa gabi, kaya ang higaan niya ay basang basa.

Si Alex ay nagsimulang mabawasan ng Ombang hangang tuluyan pumayat na siya.

Hindi na makaagapay si Alex kila Len at Toni pag sila ay namimisikleta. Ang tawag dito ay kawalan ng kakayahan.

Si Len at si Alex ay pumunta sa doktor.

Sinuri ng doktor ang dibdib nina Len at Alex at pinakinggang mabuO ang kanilang paghinga. Tinatawag itong “oskultasyon”.

Minsan ang isang doktor ay gumagamit nang iba’t ibang pagsusuri katulad nang X-ray nang dibdib at pagsusuri nang dugo at plema.

Sinabi ng doktor na may hika si Len. Pinaliwanag ng doktor kay Len ang malalim na kaalaman sa sakit na asthma, at wastong paraan sa paggamot nito.

Yung gamutang medikal ni Len ay nagpapahintulot sa kanya na magbisikleta pa rin kasama ni Toni at ni Alex.

“Masaya ako na pwede pa rin kaming mag bisikleta ni Len” sabi ni Toni.

Anong mga palaro ang gusto ninyo?

Si Alex ay may TB at nagpapagamot. Ang tatay ni Alex ay nagpapagamot rin.

Ang mga kamaganak at kaibigan nila ay nag bibigay nang suporta sa pamilya ni Alex, habang wala sila at nagpapagamot.

“Nalulungkot ako na may sakit si Alex, pero masaya naman ako na pwede siyang gamuOn para gumaling. Nananabik ako sa muli naming pagbibisikleta ni Alex” sabi ni Toni. “Umalis si Alex para magpagamot. Hindi ko pwedeng makita si Alex pangsamantala. Tinanong ko ang sarili ko kung anong pwede kong gawin para kay Alex?”

Si Toni at Len ay tumawag kay Alex sa telepono.

Si Toni at Len ay nagtext kay Alex.

Si Toni at Len ay sumulat ng liham para kay Alex.

Si Toni at Len ay sumulat nang e-mail para kay Alex.

Pagkatapos nang sandaling panahon ay gumanda ang pakiramdam ni Alex. Huminto ang pagubo ni Alex, pero kailangan pa rin niyang tapusin ang ilang buwan pang gamutan. PagOnapos nito ang kompletong gamutan, hindi na babalik ang sakit ni Alex.

Ang ibang pamilya ay nagpasuri kung may TB sila, pero napagalaman na wala silang sakit na Tuberculosis. Ang malinis na pag-uugali at wastong kaalaman sa kalinisan ay nakakatulong para mahinto ang pagkalat nang mikrobiyo na nagiging sanhi nang sakit na tuberculosis. Ang pagkompleto nang gamutan ay nangangahulugan na hindi na babalik ang sakit ni Alex at maaari na siyang pumasok sa paaralan.

Tinapos ni Alex ang gamutan. Tinapos rin ng tatay ni Alex ang gamutan.

Masaya si Toni at sabi niya “Masaya ako na Onapos ni Alex ang gamutan para makapagbisikleta uli kami.”

Ang tuberculosis ay malamang na hindi na kakalat sa buong barangay kung: •  mas maraming tao ang magpapaOngin para sa tuberculosis •  ang mga tao na mayroong tuberculosis ay magagamot •  ang mga tao na mayroong tuberculosis ay tatapusin ang kompletong gamutan.